Sa mga nagtuturo - mga propesor, mga dekano at mga
otoridad sa edukasyon, paano natin maipapaliwanag sa madla o sa sangkatauhan
na magpa-hanggang ngayon ang tunay na diwa ng kapayapaan ay mahirap pa
ring makamit?
Para sa akin, habang may mga taong manloloko at paloloko, walang kapayapa-an.
Habang may kurakot at nangungurakot sa pamaha-laan, walang kapayapaan.
habang may dayaan at mandaraya kung dumarating ang halalan, walang kapaya-paan.
Habang may mga taong inaapi at may nang-aapi, walang kapayapaan. Kung
ang mga tao ay wala nang inaatupag kundi ang kapakanang pansarili, wala
nang kapayapaan.
Kung ating susuriin kulang ang espasyo ng kolum na ito upang isa-isahin
ang mga dahilan kung bakit walang tunay na kapayapaang natatamo ang tao
kahit nagpupunyagi siya na hanapin ito.
Ano nga ba ang isa sa dahilan kung bakit hanggang ngayon ay mailap pa
rin na makamit ang tunay na kapayapaan?
Ang mabuway na pundasyon ng edukasyon sa pagpapahalaga o values education
ay isa. Sa bahaging ito, malinaw na nagkukulang ang mga magulang sa kanilang
mga anak ng pagtuturo ng kagandahang asal o pag-uugali na minana nila
noon sa kanilang mga ninuno. Halos karamihan, ang mga kabataan ngayon
ay wala nang galang sa matatanda. Puro kalayawan ang laman ng utak nila.
Ang iba'y nalululong sa ipinagbabawal na gamot. Sa panig naman ng mga
guro, parang wala na silang kapangyarihan sa mga mag-aaral na linangin
sa mga kagandahang asal o tamang pag-uugali na dapat ay kasanayan sana
ng mga kabataan sa paaralan bilang "training ground". Ano ang
ebidensiya sa pagsisiwalat natin ng bagay na ito?
May mga kabataang lalake na naglalagay ng tatlo o mahigit pang hikaw sa
tungki ng ilong at hikaw pati sa kanilang kilay at tenga. Dyeproks daw
sila. Sunod sa uso. Sa panig naman ng mga kabataang babae, mga tatoo sa
dibdib at binti ang itinatatak na dati-rati ay sa mga lalake lang matatagpuan.
Ngayon sa kanilang pagtanda, ano ang aasahan natin sa kanilang magiging
gawi? Nakasisiguro ba tayong sila'y magiging mabuting mamamayan? At magiging
pag-asa ng bayan? Paano nila maisusulong ang kapayapaan kung sila'y magiging
pahirap at sakit ng ulo ng lipunan? At sa huli, dahil sa umiiral sa tao
ngayon ay panahon ng materyalismo, mahirap makamit ang kapayapaan. Ang
karamihan sa tao ay binabalewala ang espiritwalismo - bale alamat na lamang
ang turing sa mga turo ng Dakilang Lumikha. |