Make your own free website on Tripod.com
    
HOME ABOUT US NEWS ARCHIVE FEEDBACK CONTACT US SITE MAP
 
 
Kantina ng CNHS, pinasok ng mga kawatan

Pinasok at nilimas ng mga magnanakaw ang isang kantinang pampaaralan sa munisipyo ng Virac kamakailan. Sa kaniyang report sa Virac Municipal Police Station, sinabi ni Edna T. Templo, 33 taong gulang, dalaga, nakatira sa Francia, Virac, at canteen manager ng kantina sa loob ng Catanduanes National High School (CNHS), na nadiskubre niya ang insidente nang bisitahin niya ang kantina noong Oktubre 31, dakong alas dos ng hapon. Laking gulat niya umano, nang sa kaniyang akmang pagbubukas ng kandado ay nadiskubre niyang sira na ito at nakatiwangwang na ang pintuan ng kantina. Ayon kay Templo, may mga bakas na puwersahang binuksan ang kaniyang kantina. Hindi niya naman ito iniwang nakabukas.
 MORE NEWS
 
 
Bahay ng lespu, nilooban ng NPA
 
Nakawan sa undas
 
Ipis gang, nasakote
 
2 hinuli sa undas
 
3 durugista, timbog dahil kay kagawad
 
Brgy Chair's son killed by rebels
 
5 crime groups neutralized in September alone
 
Oplan Linis ng INC, DepEd nabenipisyuhan
 
CDA needs re-engineering
 
Kantina ng CNHS, pinasok ng mga kawatan
© 2003 Catanduanes Forum. All Rights Reserved.
MEMBER: Publishers Association of the Philippines, Inc.
 
REY D. LACURUM | Publisher/Editor
KENNEDY U. MARIANO IV | JOEY ANTHONY V. CASIM
Web Developers
Ang mga sumusunod ang ninakaw ng mga kawatan sa kantina: water jug, 9 na cup noodles, 9 sardinas, 2 kahon ng ballpen; kapeng 3-in-1, hindi pa madeterminang bilang ng mga biskwit.