Make your own free website on Tripod.com
    
HOME ABOUT US NEWS ARCHIVE FEEDBACK CONTACT US SITE MAP
 
 
Bahay ng lespu, nilooban ng NPA

Pinasok ng mga pinaghihinalaang miyembro ng rebeldeng grupong New People's Army (NPA) ang bahay ng isang babaeng pulis sa munisipyo ng San Andres nitong nakaraang linggo lamang. Ayon sa inisyal na report mula sa San Andres Municipal Police Station, dakong alas nuwebe y media ng umaga nitong Nobyembre 2 nang pasukin ng walong di-pa nakikilalang mga kalalakihan ang bahay ng isa sa kanilang mga miyembro. Pinasok ng mga pinaghihinalaang miyembro ng NPA-Eduardo Banaag Command ang tirahan ni PO2 Heidi S. Santelices, na matatagpuan sa Barangay Lictin. Ang walong suspek ay nagawang tangayin ang ilang mga mahahalagang bagay sa loob ng tahanan ng biktima.
 MORE NEWS
 
 
Bahay ng lespu, nilooban ng NPA
 
Nakawan sa undas
 
Ipis gang, nasakote
 
2 hinuli sa undas
 
3 durugista, timbog dahil kay kagawad
 
Brgy Chair's son killed by rebels
 
5 crime groups neutralized in September alone
 
Oplan Linis ng INC, DepEd nabenipisyuhan
 
CDA needs re-engineering
 
Kantina ng CNHS, pinasok ng mga kawatan
© 2003 Catanduanes Forum. All Rights Reserved.
MEMBER: Publishers Association of the Philippines, Inc.
 
REY D. LACURUM | Publisher/Editor
KENNEDY U. MARIANO IV | JOEY ANTHONY V. CASIM
Web Developers
Kabilang sa mga nakuha ng mga rebelde ang ilang piraso ng bala ng 9mm, at isang police fatigue uniform na kulay kayumanggi o brown. Ayon pa sa mga kasamahan ng nasabing pulis, maaari umanong napaslang sa nasabing insidente si PO2 Santelices kung hindi nila ito isinama nang umaga mismong iyon para sunduin ang isang "augmentation force" mula sa Catanduanes Police Provincial Office sa Camp Camacho, Virac. Agad namang binuo ng San Andres-PNP ang isang grupo ng mga pulis, sa pangunguna ni SPO4 Noe I. Suaviso, Deputy Chief of Police, upang tugisin ang mga suspek. Ayon sa ilang mga nakasaksi sa pangyayari, tumalilis ang walo sa direksyon ng Sitio Luyang, Brgy. Lictin matapos ang insidente.

Wala namang naging opisyal na pahayag ang NPA ukol sa nasabing insidente.