Make your own free website on Tripod.com
    
HOME ABOUT US NEWS ARCHIVE FEEDBACK CONTACT US SITE MAP
 
 
Ipis Gang, nasakote

Isang grupo ng mga kabataang kawatan ang nahuli ng mga pulis sa munisipyo ng San Andres noong Nobyembre 5, habang itinatakbo ng mga ito ang kanilang mga ninakaw.

Ang grupo ng anim na kabataang lalake, na may edad mula 13 hanggang 16 na taong gulang, ay namataan ng mga awtoridad matapos na kanilang biktimahin ang isang tindahan sa Brgy. Divino Rostro.

Ang grupo, na mas kilala ngayon sa bansag na Ipis Gang, ay positibong itinuro ni Rene Tablate, 49 anyos, residente ng Brgy. Esperanza, at may-ari ng tindahan.
 MORE NEWS
 
 
Bahay ng lespu, nilooban ng NPA
 
Nakawan sa undas
 
Ipis gang, nasakote
 
2 hinuli sa undas
 
3 durugista, timbog dahil kay kagawad
 
Brgy Chair's son killed by rebels
 
5 crime groups neutralized in September alone
 
Oplan Linis ng INC, DepEd nabenipisyuhan
 
CDA needs re-engineering
 
Kantina ng CNHS, pinasok ng mga kawatan
© 2003 Catanduanes Forum. All Rights Reserved.
MEMBER: Publishers Association of the Philippines, Inc.
 
REY D. LACURUM | Publisher/Editor
KENNEDY U. MARIANO IV | JOEY ANTHONY V. CASIM
Web Developers
Sang-ayon na rin sa San Andres-PNP, ang gang ay pinamumunuan ng isang nagngangalang Ronnie Bardon, kilala umanong notorious sa nasabing bayan. Sa totoo pa nga raw, dagdag pa ng isang pulis, may rekord na rin sa kanilang tanggapan ang grupo dahil sa pagnanakaw ng malalaking halaga sa mga tindahan sa poblasyon ng San Andres - mayroon pa ngang naka-blotter na halagang P42,000 na sinasabing nakulimbat ng mga ito, maliban pa raw ito sa maraming reklamo ng mga residente na napagnakawan ng mga ito ng pera at mga gamit.

Ayon kay Tablate, tatlo pang magkakahiwalay na insidente ng pagnanakaw ng nasabing gang sa kaniyang maliit na tindahan ang naganap noong Oktubre 15, 17 at 25 ng taong kasalukuyan.
Ang mga kabataang lalake ay nakaditine sa San Andres Municipal Police Station.