Make your own free website on Tripod.com
    
HOME ABOUT US NEWS ARCHIVE FEEDBACK CONTACT US SITE MAP
 
 
Oplan Linis ng INC, DepEd nabenipisyuhan

Nitong Oktubre 31, ipinakita ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC) ang kanilang pagkakaisa at ang kanilang hangaring makatulong sa ating kalikasan.
Dumagsa ang mula 800 hanggang 1,000 miyembro ng nasabing pananampalataya sa Catanduanes Sports Complex, bahagi ng compound ng Division Office ng Department of Education (DepEd) dito sa lalawigan. Ito ay bilang pagtugon nila sa panawagan ng kanilang ministro sa lalawigan na si Bro. Marcelino Pariñas para sa partisipasyon ng bawat miyembro sa taunang gawain na ito ng kanilang grupo.
 MORE NEWS
 
 
Bahay ng lespu, nilooban ng NPA
 
Nakawan sa undas
 
Ipis gang, nasakote
 
2 hinuli sa undas
 
3 durugista, timbog dahil kay kagawad
 
Brgy Chair's son killed by rebels
 
5 crime groups neutralized in September alone
 
Oplan Linis ng INC, DepEd nabenipisyuhan
 
CDA needs re-engineering
 
Kantina ng CNHS, pinasok ng mga kawatan
© 2003 Catanduanes Forum. All Rights Reserved.
MEMBER: Publishers Association of the Philippines, Inc.
 
REY D. LACURUM | Publisher/Editor
KENNEDY U. MARIANO IV | JOEY ANTHONY V. CASIM
Web Developers
Hindi lamang nakuntento ang mga miyembro ng nasabing sekta na linisin ang kapaligiran ng Sports Complex kundi tinamnan pa ng mga ito ng mga punungkahoy ang mga bakante at nakatiwangwang na mga bahagi ng malaking lote ng DepEd compound.

Nagdagsaan na ang maraming tao dakong alas siyete pa lamang ng umaga. Nagmula ang mga ito sa bawat munisipyo dito sa lalawigan na mayroong kapilya o lokal ng INC, sa pangunguna ng kani-kanilang ministro-destinado. Sinabi ni Ka Nelson Panti, isang aktibong opisyal ng nasabing grupo, na ang ipinamalas na partisipasyon at pakikipag-isa ng mga miyembro nila ay hindi lamang doktrina ng nasabing sekta kundi pagsunod din sa banal na aral ng Diyos at ng Panginoong Jesu-Cristo.

Ang nasambit na aktibidad ng INC, na may temang: "Lingap Kalikasan at Kapaligiran 2003" ay itinaon din ng grupo sa kaarawan ng kanilang Pangalawang Tagapamahalang Pangkalahatan na si Bro. Eduardo V. Manalo, at isang gawaing kinakitaan ng partisipasyon ng kanilang mga kapatiran sa buong mundo.