Make your own free website on Tripod.com
    
HOME ABOUT US NEWS ARCHIVE FEEDBACK CONTACT US SITE MAP
 
 
3 durugista, timbog dahil kay kagawad

Tatlong mga kalalakihan ang nahuli ng mga alagad ng batas sa munisipyo ng Virac kamakailan dahil sa pagmamalasakit ng isang opisyal ng barangay.
12:20 ng madaling araw noong Nobyembre 6 nang magtungo sa Virac Municipal Police Station si Brgy. Kagawad Garnette Sarmiento ng Brgy. Sta. Cruz sa munisipyo ng Virac, upang isumbong ang aniya ay lantarang pagpa-pot session malapit sa D' Ocean Beerhouse sa nasabing barangay. Base sa reklamong ito ng nasabing opisyal ng barangay, agad na tinungo ng isang grupo ng mga pulis mula sa Virac-PNP, na binubuo nina SPO1 Roger Masagca, PO1 Josepito Tubo at PO1 Noel Tabor, ang nasabing lugar
 MORE NEWS
 
 
Bahay ng lespu, nilooban ng NPA
 
Nakawan sa undas
 
Ipis gang, nasakote
 
2 hinuli sa undas
 
3 durugista, timbog dahil kay kagawad
 
Brgy Chair's son killed by rebels
 
5 crime groups neutralized in September alone
 
Oplan Linis ng INC, DepEd nabenipisyuhan
 
CDA needs re-engineering
 
Kantina ng CNHS, pinasok ng mga kawatan
© 2003 Catanduanes Forum. All Rights Reserved.
MEMBER: Publishers Association of the Philippines, Inc.
 
REY D. LACURUM | Publisher/Editor
KENNEDY U. MARIANO IV | JOEY ANTHONY V. CASIM
Web Developers
. Sa pagdating ng mga nasambit na kawani ng pulisya sa lugar na itinuro ni Sarmiento, nahuli ang mga suspek sa akto ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

Agad na dinampot ng mga pulis ang tatlo, dinala sa istasyon ng pulisya at ikinulong. Ang tatlo ay nakilala na sina Leoncio Sarmiento, 23 taong gulang, binata, at kasalukuyang nakatira sa Brgy. Rawis, Virac; Bobby Valenzuela, 22 taong gulang, may asawa, nakatira sa Brgy. Sta. Cruz, Virac; at Jerry San Juan, 26 taong gulang, binata, residente ng Brgy. San Roque, Virac. Nakuha sa pag-iingat ng mga suspek ang mga sumusunod na drug paraphernalia na, ayon sa report ng pulisya, na ginamit ng mga suspek sa paghitit ng drogang metamphetamine hydrochloride o mas kilala sa tawaga na shabu, nang ang tatlo ay masakote: labing pitong piraso ng aluminum foil, tatlong lighter, isang kandila, at isang tuwalya.

Inihahanda na ng pulisya ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa mga suspek.