Make your own free website on Tripod.com
    
HOME ABOUT US NEWS ARCHIVE FEEDBACK CONTACT US SITE MAP
 
 
Nakawan sa Undas

Walang nang sinasanto ang mga magnanakaw ngayon. Maging panahon man ng pag-alala sa mga pumanaw na nating mahal sa buhay ay hindi na pinaliligtas ng mga kawatan.

Ito ang naging masaklap na karanasan ng isang ginang at ng kaniyang pamilya matapos na umuwi mula sa paggunita nila sa Araw ng mga Patay ngayong taon. Ayon kay Perla D. Gianan, 26 taong gulang, may-asawa, at kasalukuyang nakatira sa Sta. Cruz, Virac, laking gulat umano nila nang madiskubre nilang pinasok sila ng mga magnanakaw sa panahong wala sila lahat sa kanilang tirahan at sama-samang nagpunta sa sementeryo noong Nob. 1.
 MORE NEWS
 
 
Bahay ng lespu, nilooban ng NPA
 
Nakawan sa undas
 
Ipis gang, nasakote
 
2 hinuli sa undas
 
3 durugista, timbog dahil kay kagawad
 
Brgy Chair's son killed by rebels
 
5 crime groups neutralized in September alone
 
Oplan Linis ng INC, DepEd nabenipisyuhan
 
CDA needs re-engineering
 
Kantina ng CNHS, pinasok ng mga kawatan
© 2003 Catanduanes Forum. All Rights Reserved.
MEMBER: Publishers Association of the Philippines, Inc.
 
REY D. LACURUM | Publisher/Editor
KENNEDY U. MARIANO IV | JOEY ANTHONY V. CASIM
Web Developers
Ayon pa kay Gianan, nadiskubre lamang nila ang ginawang panloloob sa kanilang tirahan nang mapansin nila na nawawala na ang dalawang piraso ng relos at dalawang piraso ng gintong kuwintas na iniwan nila sa kanilang pag-alis ng bahay. Aniya ang mga ito ay kanilang itinago sa loob ng kanilang plastic na Orocan cabinet.Nadiskubre rin nila na nakabukas na ang isa sa kanilang mga bintana. Ito ay puwersahang binuksan ng mga hindi pa nakikilang mga suspek upang makapasok sa kanilang tahanan.

Ang mag-anak na Gianan ay umuwi sa munisipyo ng Panganiban para sa Undas at bumalik lamang sa kanilang bahay sa Virac dakong alas sais y media ng umaga nitong Nob. 3. Sang-ayon naman sa pulisya, kinakailangang magdoble ng pag-iingat sa mga panahong tulad ng Undas at iba pang mga okasyon kung saan naglipana ang mga magnanakaw. Iwasan din umanong umalis ng bahay ng sabay-sabay upang hindi masalisihan ng mga kawatan.

Sa isang hiwalay na balita, isang Solomon Cerdenia Jr., 19 anyos, binata at residente ng Pajo Baguio sa Virac ang sinaksak nitong Nob. 7, 7:00 ng umanga, ng isang nagngangalang Eddie Boy Fernandez, 29 anyos, binata, at nakatira rin sa nasabing lugar. Agad namang sumuko ang suspek sa pulisya. Samantala, ang biktima ay kasalukuyan pang nagpapagamot sa EBMC. Hindi naging malinaw sa report ng PNP kung ano ang naging motibo sa nasabing krimen.