Make your own free website on Tripod.com
    
HOME ABOUT US NEWS ARCHIVE FEEDBACK CONTACT US SITE MAP
 
 
2 hinuli sa Undas

Dalawang lalaki ang dinampot ng mga alagad ng batas noong Nobyem-bre 1, sa kasagsagan ng pagdiriwang ng All Saints Day o tinatawag na "Undas".

Kinilala ng mga pulis ang dalawa na sina Hector Benavidez, 22 anyos, binata, at residente ng Palnab del Sur, Virac, at isang Rommel Pemir, 25 anyos, at residente ng Pajo San Isidro.Ayon sa ulat, ang dalawa ay hinuli ng isang grupo ng mga pulis, sa pangunguna ni SPO1 Salvador Aldave Jr. dahil sa pagkakasangkot diumano ng mga ito sa kaguluhan sa loob ng Virac Catholic Cemetery dakong 10:45 ng Nobyembre 1, 2003.
 MORE NEWS
 
 
Bahay ng lespu, nilooban ng NPA
 
Nakawan sa undas
 
Ipis gang, nasakote
 
2 hinuli sa undas
 
3 durugista, timbog dahil kay kagawad
 
Brgy Chair's son killed by rebels
 
5 crime groups neutralized in September alone
 
Oplan Linis ng INC, DepEd nabenipisyuhan
 
CDA needs re-engineering
 
Kantina ng CNHS, pinasok ng mga kawatan
© 2003 Catanduanes Forum. All Rights Reserved.
MEMBER: Publishers Association of the Philippines, Inc.
 
REY D. LACURUM | Publisher/Editor
KENNEDY U. MARIANO IV | JOEY ANTHONY V. CASIM
Web Developers
Si Benavidez ay nagtamo ng sugat sa kaniyang mukha at noo. Dinala siya sa EBMC ng mga rumespondeng pulis para lapatan ng pangunang lunas. Ikinulong ang dalawang suspek sa panggugulo sa Virac Municipal Police Station sa loob ng tinatawag na "reglamentary detention time". Wala namang iba pang naiulat na kaguluhan o krimen kaugnay sa pagdiriwang ng Undas ngayong taon. Ayon pa sa pamunuan ng PNP, isa na umano ito sa pinakatahimik at pinakamaayos na pagdiriwang ng taunang okasyon.