Make your own free website on Tripod.com
    
HOME ABOUT US NEWS ARCHIVE FEEDBACK CONTACT US SITE MAP
EDITORIAL
 
 
Ano ang dahilan?

Masakit isipin na tayo ay pinababayaan ng mga nanunungkulan sa ating pamahalaan. At, marahil, mahirap paniwalaan. Subalit ito ay tila nagiging totoo, para sa marami nating mga kababayang Viracnon.

Kamakailan lamang ay pinayagang muli ni Mayor Alberto ang pagpasok ng mga traysikel mula sa munisipyo ng San Miguel (at ang iba ay mula naman sa Bato) upang maghanapbuhay sa loob ng munisipyo ng Virac. Ito ay lantarang paglabag sa RA 4136 at 7160, na mas kilala sa tawag na Local Government Code of 1991.

At hindi lamang iyan. May ordinansang ipinasa ang Sangguniang Bayan ng Virac na nagbabawal sa mga traysikel mula sa ibang munisipyo na magbiyahe sa Virac, isa itong hakbang na siya (Alberto) mismo ang pumirma upang maisabatas.
Hindi tuloy malaman ng kaniyang mga kababayan kung ano nga bang talaga ang tunay na motibo sa likod ng biglang paglambot ng tanggapan ni Alberto ukol sa pagpapatupad ng nasabing batas. Walang ibang makitang dahilan kundi "konsiderasyong pulitikal". Mag-eeleksiyon na raw kasi. At huwag naman sanang paiikutin ang taumbayan sa pagbibigay ng mga napakakababaw na dahilan. Bagkus, dapat na ipaliwanag ang isyu, harapin at huwag talikuran. Dahil kung ito'y totoo, nangangahulugan lamang na pabaya ang ating mga nanunungkulan at ang ating mga kapakanan at karapatan ay hindi napangangalagaan sa ngalan ng pamumulitika!
Huwag naman sana!
 MORE NEWS
 
 
Bahay ng lespu, nilooban ng NPA
 
Nakawan sa undas
 
Ipis gang, nasakote
 
2 hinuli sa undas
 
3 durugista, timbog dahil kay kagawad
 
Brgy Chair's son killed by rebels
 
5 crime groups neutralized in September alone
 
Oplan Linis ng INC, DepEd nabenipisyuhan
 
CDA needs re-engineering
 
Kantina ng CNHS, pinasok ng mga kawatan
© 2003 Catanduanes Forum. All Rights Reserved.
MEMBER: Publishers Association of the Philippines, Inc.
 
REY D. LACURUM | Publisher/Editor
KENNEDY U. MARIANO IV | JOEY ANTHONY V. CASIM
Web Developers
Editorial