Make your own free website on Tripod.com
    
HOME ABOUT US NEWS ARCHIVE FEEDBACK CONTACT US SITE MAP
 
 
PWEE! nag-rally kontra Ficelco

Daan-daang konsumidores ng First Catanduanes Electric Cooperative (Ficelco) ang nag-rally nitong nakaraang Martes, Nobyembre 18, dahil sa pagtaas ng singil nito sa kuryente.

Ang rally ay inorganisa at pinangunahan ng People's War Vs Endless Economic Injustices (PWEE!).
 MORE NEWS
 
 
Lalaki, binoga ng "sumpak"
 
Binata, inundayan ng saksak
 
Boy Taga, nagwala
 
Kapabayaan ng bus company
 
GMA, governors pledge unity
 
P4M for 20 Bicol cops
 
Bicol fishery achievers bag national awards
© 2003 Catanduanes Forum. All Rights Reserved.
MEMBER: Publishers Association of the Philippines, Inc.
 
REY D. LACURUM | Publisher/Editor
KENNEDY U. MARIANO IV | JOEY ANTHONY V. CASIM
Web Developers
Nagsimula ang rally sa Virac Fountain, dakong ala-una ng hapon, kung saan nagtipun-tipon ang mga samu't-saring mga organisasyon at mga indibidwal na nagnais maging kabahagi ng pagpapaabot ng sentimiyento ng mga konsumidores ng kuryente sa buong lalawigan. Sinundan ito ng isang motorcade at parada sa poblasyon ng Virac.Matapos ito, iba't-ibang mga indibidwal mula sa iba't-ibang organisasyon sa lalawigan ang nagsalita sa rally. Kanilang binatikos ang anila ay unti-unting pagpatay ng manihamiento ng Ficelco sa mga taga-Catanduanes dahil sa sobrang taas ng presyo ng kuryente na sinisingil ng nasabing kooperatiba.

Ayon kay Rene Abella, presidente ng PWEE!, naging pabaya ang manihamiyento ng Ficelco sa kanilang tungkulin, na siyang pangunahing dahilan kung bakit ang mga konsumidores ay nagkakandaugaga sa pagbabayad ng napakataas na bayarin sa kuryente. Nang tanungin umano niya si Engr. Carlos Gianan, ang general manager ng kooperatiba, itinuro nito ang Board of Directors na siyang may pakana. Nang kaniya naman daw tanungin ang mga miyembro ng Board, sinabi umano ng mga ito na hindi sila nakadalo sa isinagawang hearing ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa Maynila para sa pag-adjust ng presyo ng kada kilowatt hour ng kuryente dito sa lalawigan o ang tinatawag na "unbundling", nitong nakaraang Hulyo.
"Para ano pa at nasa puwesto sila?" ani Abella.

Nauna na rito ay nanawagan ang PWEE! sa mga Catandunganon na lumahok sa kanilang rally at ipaglaban ang kanilang mga karapatan bilang mga miyembro ng kooperatiba. Ipinamanhikan rin ng nasabing NGO na patayin sa bawat tahanan sa buong lalawigan ang kani-kanilang mga ilaw mula 7:00 hanggang 7:15 gabi-gabi bilang pagpapakita ng kanilang hindi pagsang-ayon sa pagtaas ng kuryente, na ngayon ay aabot sa halos P8 kada kilowatt hour, at para na rin ipakita ang kanilang suporta sa ipinaglalaban ng PWEE! Ang rally ay nauna nang iniskedyul noong nakaraang Nobyembre 14 subalit ito ay nakansela matapos na dumaan sa Bikol ang bagyong "Weng".

Kinuwestiyon ng PWEE! ang biglang pagtaas ng singil sa kuryente gayong ipinag-utos naman diumano nitong nakaraang Hunyo ng ERC mismo ang pagbaba ng singil ng Ficelco. Nakapagtataka umanong matapos na mag-"unbundle" ng kanilang power rates, itinaas ng Ficelco ang singil ng mahigit-kumulang sa 20 porsiyento.
Ayon naman sa Ficelco, hindi umano sila ang dapat na pagbuntunan ng galit ng mga mamamayan dahil ang ERC mismo ang nag-utos ng pagtataas ng singil nila. Wala umano silang magagawa sa puntong ito kundi ipaabot sa ERC ang reklamo ng mga konsumidores sa lalawigan