Make your own free website on Tripod.com
    
HOME ABOUT US NEWS ARCHIVE FEEDBACK CONTACT US SITE MAP
 
 
Lalaki, binoga ng "sumpak"

Duguang itinakbo sa ospital ang isang lalaki matapos na siya ay barilin kamakailan sa munisipyo ng Bato. Ayon sa ulat ng PNP-Bato, ang krimen ay naganap noong Nobyembre 9, dakong alas tres y media ng hapon sa San Ramon St., Brgy. Cabugao.
Kinilala ng mga pulis ang biktima sa pamamaril na si Wenefredo Briongos y Arcilla, 20 taong gulang, may-asawa, kasalukuyang walang trabaho, at residente ng nasambit na barangay.
 MORE NEWS
 
 
Lalaki, binoga ng "sumpak"
 
Binata, inundayan ng saksak
 
Boy Taga, nagwala
 
Kapabayaan ng bus company
 
GMA, governors pledge unity
 
P4M for 20 Bicol cops
 
Bicol fishery achievers bag national awards
© 2003 Catanduanes Forum. All Rights Reserved.
MEMBER: Publishers Association of the Philippines, Inc.
 
REY D. LACURUM | Publisher/Editor
KENNEDY U. MARIANO IV | JOEY ANTHONY V. CASIM
Web Developers
Sa kanilang inisyal na imbestigasyon ukol sa nasabing pangyayari, lumalabas na nangyari ang insidente ng pamamaril habang nakikipaglaro ng baraha sa kaniyang mga kaibigan ang biktima. Si Briongos, kasama sina Rey Rodriguez, isang nagngangalang Boy Tatoo, at isa pang lalaki na nakilala lamang sa tawag na Holo, lahat mga residente ng barangay, ay nagkakasayahan nang bigla na lamang silang nagulantang dahil sa isang malakas na putok.

Bigla na lamang umano na tumimbuwang ang biktima mula sa kaniyang pagkakaupo. Bumagsak ito sa sahig na duguan. Nang tulungan ng kaniyang mga kaibigan ang biktimang si Briongos, napansin nila ang pagbulwak ng dugo mula sa kaniyang leeg. Itinuro ng mga nakasaksi ang isang Jessie Tarrobal, isang residente ng Salvacion St. ng nasabi ring lugar, bilang siyang bumaril sa biktima.

Ayon sa kanila, binaril ng suspek si Briongos ng malapitan. Dagdag pa ng mga ito, mahigit-kumulang sa dalawang metro lamang umano ang layo ng suspek nang paputukan nito ang biktima. Tinamaan sa kanang bahagi ng kaniyang leeg si Briongos.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, at base na rin sa pahayag ng mga saksi, na isang sumpak o homemade na baril ang ginamit ng suspek sa pamamaril. Agad na tumakas si Tarrobal matapos ang insidente.Ayon pa sa PNP, isang matagal nang alitan sa pagitan ng suspek at ng biktima ang siyang nakikita nilang anggulo sa pamamaril.