Make your own free website on Tripod.com
    
HOME ABOUT US NEWS ARCHIVE FEEDBACK CONTACT US SITE MAP
 
 
Kapabayaan ng bus company

Isang kumpanya ng bus ang inirereklamo ng mga pasahero nito matapos umanong pabayaan ng mga empleado nito ang mga pasahero ng isa sa kanilang mga pampasaherong bus.
Ayon kasi sa mga pasahero, nalagay sila sa bingit ng kamatayan subalit wala umanong ginawang anumang aksyon ang mga empleado ng kumpanya upang pangalagaan ang kaligtasan ng mga pasahero nito.
 MORE NEWS
 
 
Lalaki, binoga ng "sumpak"
 
Binata, inundayan ng saksak
 
Boy Taga, nagwala
 
Kapabayaan ng bus company
 
GMA, governors pledge unity
 
P4M for 20 Bicol cops
 
Bicol fishery achievers bag national awards
© 2003 Catanduanes Forum. All Rights Reserved.
MEMBER: Publishers Association of the Philippines, Inc.
 
REY D. LACURUM | Publisher/Editor
KENNEDY U. MARIANO IV | JOEY ANTHONY V. CASIM
Web Developers
Base sa salaysay ng mga biktima, dakong alas dose y media ng madaling araw noong nakaraang Nobyembre 10, naaksidente ang kanilang sinasakyang "ordinary bus" na patungong Bikol.

Isa sa mga pasahero si Leda Ubalde y Bongon, 23 taong gulang, dalaga, at residente ng Sto. Cristo St., Brgy. Calatagan Proper ng munisipyo ng Virac. Ayon kay Ubalde, ang kanilang sinasakyang bus, na pagmamay-ari ng kumpanyang "Mabel Tours", ay kasalukuyan noong binabaybay ang national highway sa lalawigan ng Camarines Sur nang mangyari ang hindi inaasahan.

Nabigla na lamang umano sila at naalimpungatan sa kanilang pagtulog dahil sa malakas na pagsalpok ng kanilang bus sa isa pang nakasalubong nitong bus, na patungo noon sa Maynila. Hindi naman malaman ng mga pasahero kung anong uri ng bus ang kanilang nakabanggaan at kung anong kumpanya ang nagmamay-ari nito.

Ang insidente ay nangyari sa munisipyo ng Ragay sa Camarines Sur. Matapos ang aksidente, agad na pumara ng isa pang pampasaherong bus ang konduktor ng sinasakyan nilang bus, ayon kay Ubalde, at pinalipat silang lahat dito. Ang ikinasasama ng loob ng mga pasahero ay ang tila pagpapabaya umano ng drayber at ng konduktor ng bus sa mga sugatang pasahero gayong kitang-kita pa mandin ng mga ito na mga duguan at sugatan ang mga sumasakay sa nilipatang bus.

Ni hindi man lang daw nag-alok ang drayber o ang konduktor na patingnan sila sa doktor o dalhin sila sa ospital. Kahit ang Mabel Tours ay ni hindi man lang daw sila inalok ng tulong pinasyal o kaya'y medikal.
Dahil dito, isang grupo na umano ng mga pasahero ang may balak na magsampa ng kasong kriminal laban sa drayber, konduktor at sa kumpanya ng bus. Si Ubalde ay nagtamo ng mga sugat at mga galos sa iba't-ibang bahagi ng kaniyang katawan, partikular sa kanyang mga binti at mukha.