Make your own free website on Tripod.com
    
HOME ABOUT US NEWS ARCHIVE FEEDBACK CONTACT US SITE MAP
 
 
Binata, inundayan ng saksak

Isang binata ang sinaksak ng isang lalaki sa munisipyo ng Virac nitong nakaraang linggo lamang.
Si Solomon Cerdenia Jr. y Gianan, 19 taong gulang, binata, at residente ng Brgy. Pajo Baguio sa munisipyo ng Virac, ay nagtamo ng isang saksak ng kutsilyo sa kaniyang likod.
Base sa imbestigasyong isinagawa ng mga elemento ng Virac Municipal Police Station, lumalabas na nitong nakaraang Nobyembre 7,
 MORE NEWS
 
 
Lalaki, binoga ng "sumpak"
 
Binata, inundayan ng saksak
 
Boy Taga, nagwala
 
Kapabayaan ng bus company
 
GMA, governors pledge unity
 
P4M for 20 Bicol cops
 
Bicol fishery achievers bag national awards
© 2003 Catanduanes Forum. All Rights Reserved.
MEMBER: Publishers Association of the Philippines, Inc.
 
REY D. LACURUM | Publisher/Editor
KENNEDY U. MARIANO IV | JOEY ANTHONY V. CASIM
Web Developers
bandang alas sais ng umaga, naghintay ng pampasaherong traysikel ang biktimang si Cerdenia, na patungo sanang poblasyon ng Virac.

Bigla na lamang umanong nilapitan ng suspek na si Eddie Fernandez y Medallo, residente rin ng nasabing barangay, ang biktima at sinaksak ito ng isang beses sa likod gamit ang isang kitchen knife. Agad namang isinugod ang biktima ng mga kasamahan nitong sina Jorge at Ariel Bayaca sa ospital. Ang suspek ay agad na sumuko sa mga awtoridad.

Ang motibo sa pananaksak, ayon sa pulisya, ay ang hindi pagkakaunawaan.