Make your own free website on Tripod.com
    
HOME ABOUT US NEWS ARCHIVE FEEDBACK CONTACT US SITE MAP
 
 
Boy Taga, nagwala

Isang lalake ang nagwala sa Virac Public Market noong Nobyembre 11, dakong 4:45 ng hapon. Bitbit ang isang itak, pinagtataga ni Elvis Tebelin, isang tindero ng isda, ang mga wire ng kuryente at mga bumbilya sa isang stall sa Fish Section ng nasabing palengke.
Ayon sa reklamo ni Delia Clavo y Magno, 54 anyos, may-asawa, pati ang kaniyang timbangan ay napagdiskitahan ng suspek.
 MORE NEWS
 
 
Lalaki, binoga ng "sumpak"
 
Binata, inundayan ng saksak
 
Boy Taga, nagwala
 
Kapabayaan ng bus company
 
GMA, governors pledge unity
 
P4M for 20 Bicol cops
 
Bicol fishery achievers bag national awards
© 2003 Catanduanes Forum. All Rights Reserved.
MEMBER: Publishers Association of the Philippines, Inc.
 
REY D. LACURUM | Publisher/Editor
KENNEDY U. MARIANO IV | JOEY ANTHONY V. CASIM
Web Developers
Tinaga diumano ito ni Tebelin, dahilan upang masira ito. Hindi pa nakuntento, ibinalibag pa ito sa sahig.
Sinabi rin umano ng suspek kay Clavo na: "Ika pa, taga-on taka."

Samantala, sang-ayon kay Delia Bigo y Santos, 49 anyos, may-asawa, at taga-Palnab del Norte, Virac, umaga pa lamang umano, dakong 7:40, ay pinagtataga na ni Tebelin ang ilang mga bumbilya sa Fish Section ng palengke.

Ayon kina Clavo at Bigo, si Tebelin ay lango sa alak nang maganap ang kaniyang pagwawala.
Samanatala, isang residente ang ipinagharap ng reklamo ng isang kapitan ng barangay matapos na umano ay pagbantaan nito ang isang tanod at isang kagawad ng kaniyang barangay.

Ayon kay Sto. Cristo Barangay Chairman Simeon Poniado, nitong nakaraang Nobyembre 7, dakong 10:00 ng gabi, sa isang waiting shed sa kanilang barangay, ay nagkita sila ng isang Ronnie Benavidez. Itinanong umano sa kaniya ni Benavidez kung ano ang dapat niyang gawin sa isang kagawad na kaniyang kagalit.
Nagsimula na umano itong magmura at magbanta: "Gusto niya ngonyan kalangagon ko siya! Laslason ko ang tindos niya!" Nang subukang patigilin ito ni Ely Tablizo, isang tanod, sinabi ni Benavidez na: "Para tanod ka! Deputa ka! Banggaon taka ning motor!"