Make your own free website on Tripod.com
    
HOME ABOUT US NEWS ARCHIVE FEEDBACK CONTACT US SITE MAP
EDITORIAL
 
Makibaka!

Parang isang lumalagablab na apoy ang ginawang kilos-protesta ng PWEE! Ang partisipasyong ginawa ng nagngangalit na taumbayan ay indikasyon lamang ng poot at hinanakit ng mga konsumidores ng kuryente sa lalawigan sa tila lantarang panggigipit sa kanila ng pamunuan ng Ficelco.
Kinakitaan ng partisipasyon ang nasabing rally ng mga taga iba't-ibang barangay at munisipyo sa buong lalawigan.

Aabot sa humigit-kumulang otso pesos ang kada kilowatt hour na konsumo ng kuryente sa atin.
Noong nasa limang piso pa lamang ang singil nila sa kada kilowatt hour ay tayo na yata ang isa, kung hindi man pinakamataas, ang singil sa kuryente sa buong Pilipinas. At ngayon ngang mas mataas na ang singil, wala nang duda, sa pakiramdam ng mga Catandunganon, na tayo na nga ang numero uno sa buong bansa. At iyan ay sa kabila ng pagiging isa sa pinakamahirap na lalawigan sa buong Pilipinas.

Ano pa ba ang aasahan ng ating industriya ng turismo sa lalawigan kung ganito na ang sitwasyon sa atin? May mga magnanais pa kayang mag-invest dito sa Catanduanes?
 MORE NEWS
 
 
Lalaki, binoga ng "sumpak"
 
Binata, inundayan ng saksak
 
Boy Taga, nagwala
 
Kapabayaan ng bus company
 
GMA, governors pledge unity
 
P4M for 20 Bicol cops
 
Bicol fishery achievers bag national awards
© 2003 Catanduanes Forum. All Rights Reserved.
MEMBER: Publishers Association of the Philippines, Inc.
 
REY D. LACURUM | Publisher/Editor
KENNEDY U. MARIANO IV | JOEY ANTHONY V. CASIM
Web Developers
At kung ang mismong kooperatiba, na tayo mismo ang siyang nagmamay-ari ay ang siya mismong unti-unting kumikitil sa atin, saan at kanino pa tayo maaaring tumakbo para humingi ng saklolo?

Iisa lamang ang naging positibong resulta ng rally: ang pukawin ang damdamin natin bilang isang malaking komunidad, ang buksan ang ating mga mata't isipan na kapag may kabulukan at pang-aapi sa ating mga karapatan, pagkakaisa at pakikibaka ang kailangan ng taumbayan.
Editorial