Make your own free website on Tripod.com
    
HOME ABOUT US NEWS ARCHIVE FEEDBACK CONTACT US SITE MAP
SINO ANG SINO?
 
Guardians dito, nagkakagulo

Dalawang grupo ng Philippine Guardians Brotherhood Inc. (PGBI) sa munisipyo ng Virac ang kapwa nagsasabing sila ang tunay na nirerekognisa ng PGBI national office bilang legal na tsapter rito.
Ang isang grupo ay pinangungunahan ni Maj. Vicente Borre III (Res), ang kasalukuyang Provincial Jail Warden, samantalang ang isa pa ay nasa pamumuno naman ni Engr. Gregorio de la Cruz.
 MORE NEWS
 
 
Lalaki, binoga ng "sumpak"
 
Binata, inundayan ng saksak
 
Boy Taga, nagwala
 
Kapabayaan ng bus company
 
GMA, governors pledge unity
 
P4M for 20 Bicol cops
 
Bicol fishery achievers bag national awards
© 2003 Catanduanes Forum. All Rights Reserved.
MEMBER: Publishers Association of the Philippines, Inc.
 
REY D. LACURUM | Publisher/Editor
KENNEDY U. MARIANO IV | JOEY ANTHONY V. CASIM
Web Developers
Sa isang opisyal na pahayag, sinabi ni 2Lt. Dheo A. Tabor (Res), tumatayong OIC ng grupo ni de la Cruz, na kinokondena nila ang ginagawang pagre-recruit ng mga bagong miyembro at ang pangongolekta ng pera nina Borre gamit ang pangalan ng organisasyon nang walang pahintulot o awtorisasyon. Aniya, hindi totoong si Borre ang pangulo ng kanilang organisasyon. Kumukolekta rin umano sina Borre ng pera para sa membership at ID ng mga nagnanais sumapi sa organisasyon, at ito ay mas mataas umano kesa itinakda ng PGBI.

Idinagdag pa ni Tabor na naiulat din umanong kumukuha ng 10 porsiyento si Borre mula sa pagtatatak ng kada PGBI t-shirt na ginagamit ng mga miyembro na kaniyang na-recruit. Inireport na diumano ng grupo ni de la Cruz si Borre sa PGBI Regional Executive Board (REB), sa pamamagitan ni Fiscal Romeo Tayo bilang hepe ng PGBI-REB, para sa masusing imbestigasyon at karampatang aksyon.

Samantala, pinawalang-saysay naman ni Borre ang mga alegasyon ng kalabang grupo. Ayon sa kaniya, sila ang kinikilala ng kanilang national office bilang lehitimong grupo sa Virac. Ito ay sinang-ayunan ni Tabor. Subalit, ayon pa sa kaniya, ang pagkilala sa grupo ni Borre ay ginawa ng national office nang hindi dumaraan sa REB, na ipinagbabawal sa kanilang mga by-laws.

Sa katunayan pa nga raw, inako ng national office ang kamaliang ito at ipina-uubaya na sa REB ang bagay na ito. Nang tawagan ng pahayagang ito ang isang Job Valenzuela sa Maynila, sinabi nitong ang kay Borre ang totoong PGBI sa Virac. Kinuwestiyon ni Tabor ang pahayag ni Valenzuela, sabay sabing miembro ito ng PGBI-Region IV at walang pakialam sa mga suliranin sa Region V.

Samantala, sinabi ni Borre, na hindi totoong may "kita" siya sa pagkolekta ng mga "fees" na tulad ng sinasabi ni Tabor, dahil ang malinaw umanong nakasaad sa kanilang rekord na kung anuman ang kanilang kinolekta ay agad nilang ipinadadala sa bank account ng PGBI sa Maynila.

Ayon pa kay Borre, mas maganda umano na magsampa ng reklamo ang grupo ni de la Cruz upang mapatunayan na kung sino ang sino.

Samantala, sinabi naman ni Tabor na bukas siya sa rekonsilasyon at posibleng pag-uusap at pag-aayos ng dalawang paksyon ng PGBI.