Make your own free website on Tripod.com
    
HOME ABOUT US NEWS ARCHIVE FEEDBACK CONTACT US SITE MAP
 
 
Mga drayber, sinisisi si Mayor Cito Alberto

Isang grupo ng mga drayber at operator ng pampublikong sasakyan sa lalawigan ang ibinubunton ang sisi sa tanggapan ni Mayor Cito Alberto ng munisipyo ng Virac dahil sa pagliit ng kanilang kita at anila ay lantaran nitong paglabag sa batas.
Ito ang napag-alaman ng Forum sa isang panayam sa isang opisyal ng San Miguel Mabato Virac Transport Association (SMMVTA), na humiling na huwag ilabas ang kaniyang pangalan dahil sa takot na mapagdiskitahan umano siya ng mga "galamay" ng alkalde sa kaniyang pagbiyahe sa downtown Virac.
 MORE NEWS
 
 
Bahay ng lespu, nilooban ng NPA
 
Nakawan sa undas
 
Ipis gang, nasakote
 
2 hinuli sa undas
 
3 durugista, timbog dahil kay kagawad
 
Brgy Chair's son killed by rebels
 
5 crime groups neutralized in September alone
 
Oplan Linis ng INC, DepEd nabenipisyuhan
 
CDA needs re-engineering
 
Kantina ng CNHS, pinasok ng mga kawatan
© 2003 Catanduanes Forum. All Rights Reserved.
MEMBER: Publishers Association of the Philippines, Inc.
 
REY D. LACURUM | Publisher/Editor
KENNEDY U. MARIANO IV | JOEY ANTHONY V. CASIM
Web Developers
Sang-ayon sa kaniya, ang kanilang mga miyembro ay legal na bumibiyahe ng kanilang mga PUVs, katulad ng dyip, van at multi-cab, sa rutang San Miguel-Virac at pabalik. Subalit, nitong mga nakaraang linggo umano ay malaki ang naging kabawasan sa kanilang kita dahil sa ilegal umanong pagpapatupad ng batas ng mga namumuno sa munisipyo ng Virac. Kaniyang tinukoy ang aniya ay biglaang pagpayag ng tanggapan ni Alberto na papasukin para magbiyahe sa loob ng munisipyo ng Virac ang mga traysikel mula Bato at San Miguel.
Matatandaang pinatupad noon ang pagbabawal sa mga pampasaherong traysikel mula sa ibang bayan na pumasok at bumiyahe sa loob ng Virac, base na rin sa isang ordinansang ipinasa at inaprubahan ng Sangguniang Bayan ng Virac.

At, ayon pa sa opisyal ng transport group, hindi lamang umano ordinansa kundi pambansang mga batas, ang RA 4136 at 7160 o Local Government Code, ang lantarang nilabag ng tanggapan ng alkalde ng Virac.
Ang opisyal ng nasabing transport group ay nagsabi pa na matagal na umano nilang ipinaabot sa tanggapan ni Alberto ang isyu subalit hindi umano ito inaksyunan agad. At nang tumugon naman daw ito sa kanilang problema, sinabi raw sa kanila ni Virac Municipal Administrator Marino Ubalde na kinailangan na payagang bumiyahe sa loob ng munisipyo ng Virac ang mga traysikel dahil pinaalis na diumano ang mga ito sa paradahan sa harap ng Ficelco dahil pagmamay-ari raw ito ng isang pribadong tao. Na siya namang ipinagtaka ng transport group dahil ang nasabing paradahan ay sidewalk, sa gilid mismo ng kalsada, at wala umanong ibang nagmamay-ari kundi ang pamahalaan. "Pina-iikot ba kami nina Mayor at Administrator? Ano ang akala nila sa amin, bobo? Kahit sintu-sinto ay sasabihin sa kanila na gobyerno ang may-ari nun at hindi kung sinong Pontio Pilato!"

Ang nakikita umano nilang dahilan sa pagpayag ng tanggapan ni Alberto ay pulitika. "Di ba't malapit na ang eleksyon? Bawas boto nga naman kung ipagbabawal nila ang pagpasok ng mga traysi sa Virac."
Kinuwestiyon din ng grupo ang anila ay pakikialam ng mga Virac Traffic Enforcers sa panghuhuli ng mga traffic violators at pagkuha ng mga lisensya nito. "Dapat siguro mag-aral itong sina Cito at Ubalde. Hindi ba nila alam na hindi puwedeng manghuli ang mga traffic enforcers kung hindi sila deputized ng LTO? Kung deputized sila, bakit wala silang ticket galing sa LTO? Wala silang karapatang manghuli sa mga motorista at lalo na ang mangumpiska ng lisensya. Dapat na malaman ito ng publiko!"

Sa ngayon ay pinag-iisipan na umano ng SMMVTA ang posibleng legal na aksyon na maaari nilang gawin ukol sa isyu.