Make your own free website on Tripod.com
    
HOME ABOUT US NEWS ARCHIVE FEEDBACK CONTACT US SITE MAP
 
 
Santiago, lumagda sa impeachment vs Davide

Pinaratangan si Cong. Joseph Santiago ng sobra-sobrang pamumulitika ng kaniya mismong mga kababayan, matapos na lumagda siya at manguna sa kasong impeachment na isinampa laban kay Chief Justice Hilario Davide Jr. sa Kongreso kamakailan.

Ang kaso ay nag-ugat sa isang reklamo ng ilang mga empleado ng Hudikatura na diumano ay pagwaldas ni Davide sa Judiciary Development Fund (JDF) o ang di-maayos na paggamit nito. Ang JDF ay galing sa mga ibinabayad ng mga abogado bilang taunang fee. Ang nasabing pondo ay nakalaan para sa mga empleado ng mga korte sa buong Pilipinas (80% ng kabuuang pondo) at para sa pagpapa-repair ng mga korte (20%). Sang-ayon sa akusasyon laban sa Punong Mahistrado, hindi nakararating sa mga empleado ng korte ang kaukulang benepisyo na dapat ibigay sa kanila dahil sa mas malaki ang ginastos para sa pagpapaayos ng Supreme Court, ilang bahay bakasyunan at mga mamahaling sasakyan.
© 2003 Catanduanes Forum. All Rights Reserved.
MEMBER: Publishers Association of the Philippines, Inc.
 
 MORE NEWS
 
 
Illegally repacked NFA rice still floods Virac Market
 
Balak na pagaarmas sa mga kapitan, kinondena ng NDF
 
GREENCAT holds 2nd Regional EcoTrek
 
Ang sikreto ng tagumpay, ayon kay Sen. Pong Biazon
 
CDC meeting inisnab ng oposisyon
 
Binata, tigok sa saksak
 
NFA prepares for massive palay procurement

REY D. LACURUM
Publisher/Editor
KENNEDY U. MARIANO IV
JOEY ANTHONY V. CASIM
Web Developers

Catanduanes FORUM, with business and editorial offices in Cavinitan, Virac is published every Thursday in Virac, Catanduanes.
For editorial contributions, including properly captioned photographs, CLICK HERE.
At dahil isa sa may 95 na kongresistang pumirma sa impeachment complaint si Santiago, hindi napigilan ng ilang mga sektor dito sa lalawigan ang punain ang anila ay sobrang pamumulitika ni Santiago. Isa sa mga nangunguna rito si Provincial Secretary Ursus de Quiros, na nag-organisa ng pagsusuot ng itim na armband bilang protesta laban sa mga kongresistang pumirma sa impeachment complaint.
Ayon kay de Quiros, "Chief Justice Davide is the last honorable man standing in government today. He is synonymous to honesty, integrity and respectability in public service."

Dagdag pa ni de Quiros: "Any decent Filipino will stand in defense of Davide." Samantala, marami ang naniniwala na nagkaroon ng maagang pamasko para sa mga kongresistang pumirma umano sa kaso laban sa Punong Mahistrado. Hindi umano bababa sa P5 milyon bawat isa ang tinanggap ng mga kongresista mula kay Danding Cojuangco para sa pagpirma sa impeachment complaint.

Tinitingnan din ang anggulo ng pulitika. Ayon kasi sa hindi iilang political analysts, ito diumano ang paraan ng kampo ni Cojuangco para puwersahin ang Korte Suprema upang katigan siya sa kasong kinasasangkutan niya ukol sa coco levy fund.
Samantala, sinabi ni Davide sa mga interbyu sa kaniya ng mga miembro ng media, na hindi tama at hindi makatarungan ang mga ibinibintang sa kaniya.

Ayon kasi sa isang report ng Commission on Audit (COA), lumalabas na ang ibinibintang kay Davide na pagwawaldas o misuse ng JDF ay walang basehan at walang katotohanan.

Lumabas sa ginawang report ng COA na mahigit-kumulang sa 90% ang aktwal na ginamit para sa mga benepisyo ng mga empleado ng korte, kumpara sa 80% na siyang itinakda ng batas.

Binanggit din ni Davide ang isyu ng pagiging unconstitutional ng kasong isinampa ng mga miembro ng oposisyon laban sa kaniya.
Ayon diumano kasi sa Konstitusyon, hindi maaaring magsampa ng dalawang kaso ng impeachment laban sa isang opisyal ng gobierno sa loob ng isang taon. Ito ay ikalawang impeachment case na na isinampa laban kay Davide sa taong kasalukuyan.

Samantala, isang D. Lucero, na nagpakilalang isang Catandunganon na nakatira sa Lungsod ng Quezon, ang nagsabi na: "Santiago does not know what he is doing. Saro siya sa nangenotan sa kampanya para sa impeachment laban ki Davide.

"Maybe those in the media should let people know what our own congressman is doing, to the disgrace of Catandunganons." "We care for democracy and we love our country. And for those who feel the same, let us condemn the 95. Let our voices be heard. Let Santiago and his kind know how disgusted we are," ayon naman sa isang grupo ng mga kababaihan sa lalawigan.