Make your own free website on Tripod.com
    
HOME ABOUT US NEWS ARCHIVE FEEDBACK CONTACT US SITE MAP
 
 
 
Ika-58 anibersaryo ng Catandunes matagumpay

Itinuturing na matagumpay ang pagsasagawa ngayong taon ng Catandungan Festival bilang pagdiriwang sa ika-58 Foundation Anniversary ng ating lalawigan. Sang-ayon sa mga komite ng nasabing selebrasyon, isa na ito sa pinakamaayos at pinakama-taong pagsasagawa ng taunang okasyon.

Naging kapansin-pansin kasi ang ginawang pagsali at pagdalo ng mga miembro ng oposisyon sa Sangguniang Panlalawigan, sa pangunguna ni Bise-Gob. Cesar Sarmiento sa tatlong araw na pagdiriwang, mula Oktubre 22 hanggang 24. Hindi tuloy naiwasang ikumpara ng ilan ang naging lantarang pang-iisnab ng mga ito noong nakaraang taon. Naging aktibo rin ang ilang mga sektor, lalo na sa ginawang Padadyaw sa Tinampo, ang isa sa mga sentro ng selebrasyon, kabilang dito ang mga LGUs, local at national government offices, public schools, NGOs, POs at mga kabataan.
© 2003 Catanduanes Forum. All Rights Reserved.
MEMBER: Publishers Association of the Philippines, Inc.
 
 MORE NEWS
 
 
Illegally repacked NFA rice still floods Virac Market
 
Balak na pagaarmas sa mga kapitan, kinondena ng NDF
 
GREENCAT holds 2nd Regional EcoTrek
 
Ang sikreto ng tagumpay, ayon kay Sen. Pong Biazon
 
CDC meeting inisnab ng oposisyon
 
Binata, tigok sa saksak
 
NFA prepares for massive palay procurement

REY D. LACURUM
Publisher/Editor
KENNEDY U. MARIANO IV
JOEY ANTHONY V. CASIM
Web Developers

Catanduanes FORUM, with business and editorial offices in Cavinitan, Virac is published every Thursday in Virac, Catanduanes.
For editorial contributions, including properly captioned photographs, CLICK HERE.
Naging kabahagi ng Catandungan Festival ngayong taon ang Traversing Catanduanes, the 2nd Regional Ecotrek, ang pagbubukas ng Catandungan Fair, Parada ng Bayan, Search for Bb. Catanduanes 2003, Provincial Lola Queen 2003, 1st Catandungan Festival Regional Mountain Bike Race, Skills Olympics, Original Pilipino Music Contest, 1st Catanduanes Guitar Master Contest, "La Naval" procession, Provincial Cooperative Congress, Padadyaw sa Tinampo, TOCA, at isang benefit concert na pinamagatang "Let's Celebrate at 58!".

Samantala, narito ang mga nanalo sa iba't-ibang mga patimpalak:
1st Catanduanes Guitar Master Contest. Liborio Nazareno, 1st prize; Manuel Rojas, 2nd; at Frisco Borja, 3rd.
1st Catandungan Festival Regional Mountain Bike Race. Sports Category: David Perez (Naga City), 1st; Bryant Sepris (Nabua, CamSur), 2nd; at Rommel Vargas (Pili, CamSur), 3rd.
Fun Ride Category: Sergio Sotto (Baao, CamSur), 1st; Michael Pili (Naga City), 2nd; at Dalton Tablizo (Virac), 3rd.
Search for Bb. Catanduanes 2003. Ria Cayanan, Bb. Catanduanes 2003; Jocelyn Rebancos, 1st runner-up; at Alena Jonesa Rumbaoa, 2nd runner-up.
Search for Provincial Lola Queen 2003. Lilia Templonuevo, Lola Queen 2003; Maria Oliver, 1st runner-up; at Elena del Valle, 2nd runner-up.

Habang isinusulat ang ulat na ito ay hindi pa nakapagpasa ng kanilang opisyal na listahan ng mga nanalo ang mga komite na namahala sa Original Pilipino Music Contest, at sa "Pinaka" Contest ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAG).

Pinarangalan sina Arch. Enrique Olonan at Dr. Adolfo Bagadiong bilang mga awardee ng The Outstanding Catandunganon Award (TOCA) para sa taong ito.

Ayon kay Gob. Leandro Verceles Jr., "We hope that in the next Catandungan Festival celebrations, there will be more cooperation from our officials, better presentations, brighter ideas, better products, more guests, and a grand display of our unique culture and rich traditions."