Make your own free website on Tripod.com
    
HOME ABOUT US NEWS ARCHIVE FEEDBACK CONTACT US SITE MAP
EDITORIAL
 
Nitong nakaraang Oktubre 24, nagkagulo sa loob ng bakuran ni Cong. Santiago sa Gogon, Virac.
Hindi dahil sa dinumog siya ng mga bisita sa piyesta ng kanilang barangay kundi dahil daan-daang sabungero ang nagtungo doon upang tumaya at magsabong sa loob mismo ng kaniyang pamamahay.

Opo, sabong, o, sa salita ng mga sugarol, ay tinatawag na "tupada". At alam naman po natin na ang pagsasabong sa loob ng sabungan ay legal subalit ang tupada, ay hindi. Gawin man ito ng mismong Pangulo ng bansa sa loob ng bakuran ng simbahan, ito ay ilegal pa rin. Alam ito ni Santiago dahil isa siyang abogado, subalit inisip niya marahil na isa siyang mataas na opisyal ng ating pamahalaan at wala nga namang mangangahas na kuwestiyunin siya. Tama man ito o mali. At, sa kabila ng maliwanag na pamumulitika sa kasong impeachment laban kay Chief Justice Hilario Davide Jr., pinili rin ni Santiago na gawin ang hindi popular at hindi tama para sa mata ng maraming Pilipino.

Katulad ng kaniyang "tupada", itinaya din ng batang kongresista ang kaniyang kinabukasang pulitikal sa pamamagitan ng pagbubulag-bulagan sa kung ano ang tama at ano ang mali. Tama rin kaya ang ulat na tumanggap ang bawat kongresista na pumirma sa impeachment complaint laban sa Punong Mahistrado ng P5 milyon bawat isa? Kung gayon, sinuong ni Santiago ang isang sugal na siguradong siya ay dehado!

At sino bang matinong Pilipino ang mag-iisip na ang isang matinong lingkod ng bayan ay ipaghaharap ng isang reklamong walang sapat na dahilan, maliban pa sa unconstitutional?

Malinaw pa sa sikat ng araw na ang lahat ay pinaiikot lamang ng pulitika at pera. At para kay Santiago, ang mensahe ng kaniyang mga kababayan ay: "Ang buhay-lalo na ang buhay-pulitika-ay parang isang sabong. Madalas ang talo kaysa panalo."
 
© 2003 Catanduanes Forum. All Rights Reserved.
MEMBER: Publishers Association of the Philippines, Inc.
 
 MORE NEWS
 
 
Illegally repacked NFA rice still floods Virac Market
 
Balak na pagaarmas sa mga kapitan, kinondena ng NDF
 
GREENCAT holds 2nd Regional EcoTrek
 
Ang sikreto ng tagumpay, ayon kay Sen. Pong Biazon
 
CDC meeting inisnab ng oposisyon
 
Binata, tigok sa saksak
 
NFA prepares for massive palay procurement

REY D. LACURUM
Publisher/Editor
KENNEDY U. MARIANO IV
JOEY ANTHONY V. CASIM
Web Developers

Catanduanes FORUM, with business and editorial offices in Cavinitan, Virac is published every Thursday in Virac, Catanduanes.
For editorial contributions, including properly captioned photographs, CLICK HERE.