Make your own free website on Tripod.com
    
HOME ABOUT US NEWS ARCHIVE FEEDBACK CONTACT US SITE MAP
 
 
CDC meeting, inisnab ng oposisyon

Hindi sumipot ang mga miembro ng Catanduanes Development Council (CDC) na kilalang mga kaalyado ni Cong. Joseph Santiago sa ipinatawag na pagtitipon noong Oktubre 27. At dahil sa kakulangan ng sapat na bilang para makabuo ng quorum, hindi natuloy ang nasabing meeting at ni-reset na lamang para sa ibang araw.

Nagtaka si Gob. Leandro Verceles Jr., chairman ng CDC, kung ano ang posibleng naging motibo ng mga miembro ng oposisyon kung bakit sila lumiban. "What's their game plan?" ayon sa kaniya.
Maaari umanong pananabotahe ang dahilan, ayon pa kay Verceles. "Are they planning to sabotage the economy of the province?"

Nakapagtataka kasi umano na magsabay-sabay na lumiban sa pagdalo sa isang napaka-importanteng pagtitipong katulad ng CDC kung walang kulay ng pulitika. Karamihan pa raw sa mga ito ay kilalang mga miembro ng oposisyon dito sa lalawigan.
© 2003 Catanduanes Forum. All Rights Reserved.
MEMBER: Publishers Association of the Philippines, Inc.
 
 MORE NEWS
 
 
Illegally repacked NFA rice still floods Virac Market
 
Balak na pagaarmas sa mga kapitan, kinondena ng NDF
 
GREENCAT holds 2nd Regional EcoTrek
 
Ang sikreto ng tagumpay, ayon kay Sen. Pong Biazon
 
CDC meeting inisnab ng oposisyon
 
Binata, tigok sa saksak
 
NFA prepares for massive palay procurement

REY D. LACURUM
Publisher/Editor
KENNEDY U. MARIANO IV
JOEY ANTHONY V. CASIM
Web Developers

Catanduanes FORUM, with business and editorial offices in Cavinitan, Virac is published every Thursday in Virac, Catanduanes.
For editorial contributions, including properly captioned photographs, CLICK HERE.
Ang mga lumiban ay sina: Cong. Joseph Santiago,; PBM Rafael Zuniega, SP Chair o Appropriations; Bagamanoc Mayor Vincent Villaluna; Bato Mayor Lorenzo Templonuevo Jr.; Pandan Mayor Josefina Santelices; Panganiban Mayor Gregorio Angeles; San Andres Mayor Joseph Cua; Virac Mayor Jose Alberto II; Dating Gob. Vicente Alberto, ng CDVAI; Ma. Cristina Sorrera, ng DVSAFI; Ruben Magtangob, ng FARMC; Ephraim Antonio Gianan, ng PSMEDC; Dominado Laynes, ng CNHSBCC; at Sylvia Vargas, ng Provemco.

Ang mga umattend naman ay tanging ang mga sumusunod lamang: Gob. Leandro Verceles Jr.; Baras Mayor Jose Teves Jr.; Caramoran Mayor Lourdes Idanan; Chona Turado, representante ni Gigmoto Mayor Armando Guerrero; San Miguel Mayor Francisco Camano Jr.; Viga Mayor Abelardo Abundo; Policarpio Tindugan, ng CFSC; Antonio Tabuzo, ng CATNAPO; Pablo Camacho, ng PAFC; Josefina Samar, ng CADEMCO; at Corazon Monilla, ng NWCP, CC.