Make your own free website on Tripod.com
    
HOME ABOUT US NEWS ARCHIVE FEEDBACK CONTACT US SITE MAP
 
 
Binata, tigok sa saksak

Isang 25 anyos na binata ang namatay matapos na siya ay pagsasaksakin ng isang lalaki sa isang barangay sa Pandan kamakailan.
Kinilala ng mga imbestigador mula sa Pandan Municipal Police Station ang biktima na si Noli Balayo y Eustaquio, 25 anyos, binata at isang magsasaka.

Natagpuan ang walang buhay na katawan ng biktima sa Sitio Biyong, Barangay Sta, Cruz, sa munisipyo ng Pandan noong Oktubre 19, dakong alas sais ng gabi.

Base sa inisyal na imbestigasyong isinagawa ng pulisya, lumalabas na nangyari ang pamamaslang sa loob ng bahay ng isang Arturo Sanchez, ng nasambit ding barangay, habang nakikipag-inuman ang biktima sa kaniyang mga kaibigan.
Ang suspek na si Ronnie Celestino y Marto, 33 anyos, may-asawa, ay agad namang sumuko matapos ang insidente. Ayon sa kaniya, sinuntok siya ng biktima sa ulo kung kaya't napilitan siyang gumanti at saksakin ito.
 
© 2003 Catanduanes Forum. All Rights Reserved.
MEMBER: Publishers Association of the Philippines, Inc.
 
 MORE NEWS
 
 
Illegally repacked NFA rice still floods Virac Market
 
Balak na pagaarmas sa mga kapitan, kinondena ng NDF
 
GREENCAT holds 2nd Regional EcoTrek
 
Ang sikreto ng tagumpay, ayon kay Sen. Pong Biazon
 
CDC meeting inisnab ng oposisyon
 
Binata, tigok sa saksak
 
NFA prepares for massive palay procurement

REY D. LACURUM
Publisher/Editor
KENNEDY U. MARIANO IV
JOEY ANTHONY V. CASIM
Web Developers

Catanduanes FORUM, with business and editorial offices in Cavinitan, Virac is published every Thursday in Virac, Catanduanes.
For editorial contributions, including properly captioned photographs, CLICK HERE.