Make your own free website on Tripod.com
    
HOME ABOUT US NEWS ARCHIVE FEEDBACK CONTACT US SITE MAP
 
 
Balak na pag-aarmas ng mga kapitan, kinondena ng NDF

Sa isang pahayag, mariing kinondena ng National Democratic Front-Bicol ang anila ay paggiit ni PNP Chief Hen. Hermogenes Ebdane at ng mga opisyal ng 9th "Orgullo" Brigade ng Philippine Army sa Bikol na armasan ang mga opisyal ng barangay, partikular ang mga Kapitan. Hindi umano nito malulutas ang mga krimen, bagkus ito ay magiging daan upang lalo pang maapakan ang mga karapatang pantao ng mga mamamayan.

Sa Naga, ayon pa kay Gregorio Bañares, tagapagsalita ng NDF sa rehiyon, balak daw gamitin ni Mayor Jesse Robredo ang mga armadong opisyales ng barangay upang supilin ang mga karapatan ng mga maralitang-lunsod at mga magsasaka. Ipinaalala pa ni Bañares ang nawasak umanong katahimikang dulot ng pagtatayo ng militar sa mga grupong Alsa Masa, Bantay Bayan, CAFGU at mga vigilante groups na bumibiktima ng mga inosenteng sibilyan.
© 2003 Catanduanes Forum. All Rights Reserved.
MEMBER: Publishers Association of the Philippines, Inc.
 
 MORE NEWS
 
 
Illegally repacked NFA rice still floods Virac Market
 
Balak na pagaarmas sa mga kapitan, kinondena ng NDF
 
GREENCAT holds 2nd Regional EcoTrek
 
Ang sikreto ng tagumpay, ayon kay Sen. Pong Biazon
 
CDC meeting inisnab ng oposisyon
 
Binata, tigok sa saksak
 
NFA prepares for massive palay procurement

REY D. LACURUM
Publisher/Editor
KENNEDY U. MARIANO IV
JOEY ANTHONY V. CASIM
Web Developers

Catanduanes FORUM, with business and editorial offices in Cavinitan, Virac is published every Thursday in Virac, Catanduanes.
For editorial contributions, including properly captioned photographs, CLICK HERE.
Samantala, isang bukas na liham ang ipinadala ng NDF-Bicol para sa mga miembro ng CAFGU at sa mga karaniwang sundalo ng 9th "Orgullo" Brigade. Ayon sa nasabing liham, na may lagda rin ni Bañares, naiintindihan umano nila ang dinaranas na sakripisyo ng mga miembro ng CAFGU at ng mga ordinaryong sundalo. Biktima daw ang mga ito ng mababang pasahod, pinagkakakitaan ng batayang serbisyo tulad ng medikal, pabahay, benepisyo para sa pagreretiro at iba pa.

Iminungkahi rin ng grupo ni Bañares ang mga sumusunod:
1. Lisanin ang AFP/CAFGU at maghanap ng marangal na trabaho.
2. Iwasan umanong gumawa ng anumang krimen o pang-aabuso laban sa kanilang kilusan at sa masa.
3. Sabay-sabay na umalis sa AFP/CAFGU dala ang mga armas.
4. Magpaabot sa NPA ng mga impormasyon ukol sa kanilang mga misyon.
5. Ilantad ang pag-aabuso, pangungurakot at kabulukan ng matataas na opisyal ng AFP at PNP.
6. Sumuko sa NPA at mapayapang isurender ang mga armas.
7. Magbasa ng mga opisyal na pahayagan ng CPP-NPA-NDF, katulad ng "Ang Bayan," "Silyab", at pakinggan ang kanilang programa sa radyo na pinamagatang "Dagundong ng Bikol."
8. Ipasa sa iba ang bukas na liham.